Ang INA ko!..

Hindi ko alam kung ang ina ko o ako ang may problema. Hayyyy…feels so pissed right now, actually im crying.. pasensya na mga reader ko wala ako makausap kundi itong blog ko. Dati may mga napapagsabihan ako pero iba na kasi ngayon. Iba na mundo nila, at ayoko ng problemahin pa nila ako. Alam ko may mga problema din sila kinakaharap. Kaya nga tanging itong blog nalang ang ngpapagaan ng loob ko.

Ang sama-sama ng loob ko ngayon lalo na sa nanay ko.Everyday nalang parang lagi kami nagkakaron ng misunderstanding, ako ba may problema? I dont know what to do with myself. what am i supposed to do?. ..I’m doing my best para maging mabuting anak pero bakit laging mali lahat ng nakikita nilang ginagawa ko??… Idagdag mo pa yung mga kapatid ko. Alam ko minsan nagiging mahigpit na ko sa mga kapatid ko, naglelead sa nasasaktan ko sila dahil sa sobrang tigas na ng ulo nila, sa una kong sinabi sa isang topic ko, sabi ko ill try my best to teach my younger brothers to be a better person. Pero mukhang huli na nga para sa kanila. Nasaktan ko yung isa kong kapatid dahil sa sobrang inis ko, kasi pinaliligpit ko lang sya ng kinalat nya na pinagkainan nya. Mamaya sya ng mamaya. Pero kinulit ko sya, dahil makalat tsaka baka may madulas dahil may basa ng tubig yun sahig galing sa pinag-inuman nya. Sumagot sya pasigaw,”bakit di ka ba makapaghintay?bat di ikaw magligpit!” hindi maganda ang tinuran nya kya sa inis ko kinurot ko sya sa braso. Sinabihan ko “tama ba yang lumalabas sa bibig mo? Pinag-aaral kayo para matuto ng tama pero bakit parang wala kayong natututunan, para naman sa inyo yun”. umiyak sya sabay sabi “pakelam mo ba? eh di ikaw mag-aral”. Sabay tumakbo sya palayo at pahabol na sabi “isusumbong kita kay mama!”.

Habang paakyat ako masama pakiramdam ko, kasi sa totoo lang mabigat para sakin ang saktan ng ganun ang kapatid ko, pero wala na ko magawa dahil wala na silang pinapakinggan eh. Matigas na sila. Maya-maya naririnig ko na nanay ko sumisigaw tinatawag pangalan ko. Nun lumapit ako bigla ako sinampal na may kasamang gigil. Sabi “Ano ginawa mo sa kapatid mo?!,kinurot mo daw sya tsaka sinuntok!”…napanganga ako. Nasabi ko “Alam ng Dyos hindi ko sinuntok yang kapatid ko, nagsisinungaling sya! Oo kinurot ko sya pero hinding hindi ko gagawin ang suntukin yan! tsaka tinuturuan ko lang ng leksyon kasi di na tama ginagawa. Kya walang kinakatakutan yang mga kapatid ko kasi kinukunsinti nyo rin” Sagot ng nanay ko “Sige sumagot ka pa at hindi lang sampal gagawin ko sayo! Ikaw matanda dapat ikaw nagpapaubaya. Ang hirap sayo ikaw lagi tama dito sa bahay na toh! Porket panganay ka gusto mo sayo lahat!”….

Nun narinig ko lahat ng sinabi nya tumulo agad luha ko. Hindi ako nakapagsalita. Tumakbo ako paakyat sa kwarto ko. Shet! ang sakit!. Bakit mas masakit yung narinig ko mula sa nanay ko kesa nung sinampal nya ako. Shet! talaga. Hindi ko alam kun san nya napulot yung mga pinagsasabi nyang walang katotohanan. Alam ko, ikaw matanda ikaw magpaubaya, Oo, ako na nga lahat dito sa bahay eh, ultimo responsibilidad ng isang ina,ginagampanan ko na.Kulang na nga lang kung di ako kilala ng mga kapitbahay na anak ako, sasabihin nila parang ako ang katulong sa bahay dahil lahat ng gawain sakop ko na. Pero sya anu ba ginagawa nya?, nakaupo naglalaro kundi tong-it, madjong 24 oras sa isang linggo. Mantakin mo yun?. At anu pa sabi ng nanay ko, hirap sakin lagi ako tama sa bahay na toh,gusto ko lahat sakin?..kung totoo yun sana hindi ako nglalabas ng sama ng loob ko ngayon. Sana nagpapakasaya ako sa lahat ng nakukuha ko dito sa bahay na toh. Ni minsan hindi ako humiling sa kanila. Palagi lang ako naghihintay kung anu ibibigay nila sakin..maski nga mga pangarap mga gusto kong gawin sa buhay ko sila rin nagdidikta eh. Sila may hawak. Tapos sasabihin nya sakin yon.. ang sakit talaga. Putang ina!..Bawat kilos ko laging mali sa kanya, Bawat gawin ko laging di tama. Masakit isipin sarili mo pang ina humahatak sayo pababa. Shet!..fuck!..I feel so rebel. Always nalang gusto ko lumayas pero hindi ko ginagawa. Kasi I know na mali. At isa pa madali ako magpatawad, hindi ako nagtatanim ng sama ng loob kahit na kanino. Lagi ko tanong sa sarili ko, lagi nalang ba ko ganito, tanggap ng tanggap, ang magpaubaya?.Pero kahit sagutin ko yung tanong na yon hindi ko magawa gawa. Kasi andun padin sa pusot isip ko yung gusto ko panindigan na “I want to be a good daughter. I want to be a good and a better person”. Pero ang masakit hindi nila nakikita.😥 .

Isang malungkot na gabi mga kapatid…..😦

About tenshikyouryoko

Basically, my real name is Angel Agravante. I am using the name tenshi Kyouryoko in Japanese translation for which means "TENSHI=Angel"as for my first name and "KYOURYOKO=Brave" as for I want myself to stand. I am pretty athletic,artistic din..i can play guitar, i can draw, i can dance and sing at kung anu ano pa. What you see is what you get. I am game, im up for everything,as in everything. You only live once so i want to try everything and have no regrets. Kasi I dont want to look back and think that I wish I could have done this or that. Marami kasing bagay sa mundo ang masarap gawin pero yung iba hindi dapat. As long as your happy then go with it!...add me up on facebook its ann_agravante@yahoo.com and follow me on twitter @iChugeTwitt and i will leave you this quote "you are who you are and that's all you can be... look at the world and say this is me, take it or leave it... who cares what others think" that's it folks!..
This entry was posted in Family, Life, life's challenges and tagged , , , . Bookmark the permalink.

One Response to Ang INA ko!..

  1. rhayne blanca says:

    hello pwede ba kita makausap?4th year psychology here..kc we’re doing some kind of practice in psychotherapy if you want im here pra mkausap ka at may makausap..;) dont worry im totally harmless..and im doing it maybe to help you or share your feelings, i find your blog interesting thats why im wiling to listen to your problems..hope you can consider may request soon..btw, we practice privacy, so its fully confidential..we can talk through chat or anything..just add me on facebook dark_avril22@yahoo.com..thank you..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s