Familia bwisita

Kapatid, ikaw ba ay may kakilalang myembro ng KAPALMUKS???…Kailan mo ba nasasabi sa isang tao na makapal ang mukha niya? Napakalawak ng kahulugan ng salitang makapal ang mukha. Ang taong may makapal ang mukha ay pwedeng tumukoy sa mga oportunista; sa mga walang utang na loob; sa mga patuloy na gumagawa ng mali kahit alam na nilang mali ito; o kaya naman ay sa mga taong nag-traydor sa’yo..Ako meron akong kilala, marami…hehehe. Hayy naku mga kapatid, Sa panahon ngayon ay mahirap na talaga makatagpo ng matitino at totoong tao. Pati na mga sarili mong kamag-anak ang hirap pakisamahan.

Bakit may mga taong sadyang makakapal ang mukha?..Oo kelangan natin minsan kapalan ang mukha natin kasi kelangan din sa buhay yun, pero dapat alam mo kung kelan mo gagamitin yun diba. Eh kung sa araw-araw mo ginagawa yong ganung bagay abay garapalan na yun, yun bang pwede mong sabihin na, “nag-aahit ka ba ng mukha mo?kasi ang kapal kapal na eh”. diba?..

Tulad nalang samin, meron akong kamag-anak na halos 3 beses sa isang araw pumupunta sa bahay, almusal, tanghalian, at hapunan..minsan kasama pa nga meryenda eh. Grabe, hindi naman kami nagdadamot eh kya lang sana maka ramdam din naman sila na naka budget yung pang araw-araw na pagkain namin. Anu ba naman ung kahit minsan magdala sila share nila sa bahay tpos share share kmi kakain diba mas masaya pa yun, eh hindi eh, naghihintay sila ng oras ng kainan tapos saka sila susulpot sa bahay syempre ikaw na may ari ng bahay kumakain ka di maiiwasan na alukin mu din kasi nakakahiya eh(take note kami pa ang nahiya ah). Minsan nga dinadaan ko pa sa biro eh, sasabihin ko “kain kayo…dun sa bahay nyo” sabay tatawa ako eh, hala tumawa lang din parang di natamaan. ay sus!. Eto pa nakakatawa, sa bahay kasi ugali na namin yung magtrip magluto ng kahit ano kahit wala naman okasyon, akalain nyo ba naman magpapakita sya sa bahay tatanungin kung anong meron kasi ngluluto pero may dala-dala na syang malaking plato..hahahaha…nakakatawa talaga. bakit kaya sya ganun?..hahahaha

Sadya atang masama ugali nung kamag-anak kong yon, minsan lakas nya manlait sa ibang tao kala nya naman ang ganda-ganda nya.. at ang kapansin pansin pa sa kanya, as in marami na talaga nakakapansin sa kanya eh kung tumawa sya mala demonyo..hahahaha..naku, ewan ko sa kanya. hahahaha bahala sya.

Minsan rin, sa isang kamag-anak ko rin, araw-araw din syang pumupunta dito, 3 beses din sa isang araw ganun din ginagawa nya at ang sobra pa don at nakakainis, minsan oras ng meryenda, nagsasampay ako ng mga nilabhan kong damit maya-maya lumapit sya sakin, sabi nya, pagtimpla mo naman ako kape. Wwwwwhhhhaaatttt?????!!!!. abay lokong yon!..tatay ko nga hindi nagpapatimpla sakin pati yung mga trabahador na gumagawa dito sa bahay sila kusa nagtitimpla samantalang sya na walang ginawa kundi mamburaot dito sa bahay nakuha pa magpatimpla ng kape sakin?????!!!…naku naman! ang laki-laki mong tao kape lang di ka marunong magtimpla?.sus dyosmiyo. Hindi ko nga sya pinagtimpla, umakyat ako sa taas at iniwan ko sya sa kusina. Naku, sagana na nga kayo sa pagkain sa bahay gusto nyo pa seserbisyuhan kayo, aba aba aba…sumusobra na yan…isusumbong ko kayo ke Tulfo!… hahahaahaha

Hayyy naman talaga, iilan lang yang pangyayaring ganyan, marami pang uri ng pagiging myembro ng kapalmuks. hehe. Mapapansin mo ito kahit sa simpleng pangyayari sa buhay natin. Hindi mo alam kung nagbubulag-bulagan lang o talagang likas na makapal ang mukha. Lahat lang talaga ng tao ay iba-iba pero hindi dahilan ito para hindi tayo umalma o magsawalang -bahala lang sa maling ginagawa ng iba. Hindi naman masama ang maging makapal, gamitin mo lang sa tama at maayos na paraan. Ipagdasal nalang natin sila dahil wala namang imposible sa Diyos diba? Hayaan natin ang Panginoon ang humatol sa kanila at ang tumapik sa makakapal na pisngi nila hehe…

Have a great sunday afternoon folks!

 

 

About tenshikyouryoko

Basically, my real name is Angel Agravante. I am using the name tenshi Kyouryoko in Japanese translation for which means "TENSHI=Angel"as for my first name and "KYOURYOKO=Brave" as for I want myself to stand. I am pretty athletic,artistic din..i can play guitar, i can draw, i can dance and sing at kung anu ano pa. What you see is what you get. I am game, im up for everything,as in everything. You only live once so i want to try everything and have no regrets. Kasi I dont want to look back and think that I wish I could have done this or that. Marami kasing bagay sa mundo ang masarap gawin pero yung iba hindi dapat. As long as your happy then go with it!...add me up on facebook its ann_agravante@yahoo.com and follow me on twitter @iChugeTwitt and i will leave you this quote "you are who you are and that's all you can be... look at the world and say this is me, take it or leave it... who cares what others think" that's it folks!..
Gallery | This entry was posted in Attitude, Family and tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink.

One Response to Familia bwisita

  1. lara says:

    hahahaha detalyadong detalyado ah… pro kun aq un kmag=anak ng mga un, bka porma plng di na cla makaporma… dapat sa mga ganung tao dinideretcha na, wla na cla insight pre, di n cla aware… try mu minsan barahin.. para sknila din un gagawin mu, makakatulong un ng malaki sknla.. ngayon kung nagalit cla eh un un mga type ng tao n d n dpt kausapin, at mas pabor, di na cla pupunta sainyo!! hahahahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s