Reasons why I still want to be with you..♥

Okay. It’s a long day for me, i guess.. hirap talaga maging julalay ng pamilya. hehe..pero ngayong magpapahinga ako,naaalala ko nanaman yung L ng buhay ko. Naalala ko malapit n nga pala sya mag celebrate ng araw ng kanyang kapanganakan. Invited kaya ako o hindi??..hmmm… i dont know. Pero for me, I would definitely love to see L. Kasi I still want to be with L. I want to share some of the reasons why I still wanted to be with this amazing person..si L. If your reading this, I want you to know how lucky and proud I am to be with the most amazing person that iv’e been with for how many years. There will be times that i’d be pissed, times where i did not understand you, where giving-up will be the easiest thing to do but when those time come, i’ll just read this list over again. that way i’ll never forget how or why i’m with you.. because this time, running away is not an option. 🙂 advance happy birthday L.

Here are some of the reasons:

❤L.

  1. You know and understand what i’ve been through.
  2. You saw me in my most-frustrated-suicidal mode and still you thought i’m fascinating.
  3. You give me time and space which you know, i needed.. most of the time.
  4. You love and embrace my family.
  5. You completely know who i am.
  6. You know all my flaws.. and still you embrace them.
  7. You never held back.
  8. Because of your intellectual capacity to understand my weirdness level.
  9. You notice those little things that i’m not even aware of.
  10. Because you never made me feel less important even if we both know we have different priorities right now.
  11. Because you know my needs and my wants.
  12. You support me– morally, emotionally and spiritually.
  13. Because you really want to be in my world– even if that means watching and enduring my drama almost all the time.
  14. Because you want me in YOUR world.
  15. You have the ability to turn my monster-mood to a happy-mood.
  16. Because you exactly know what i feel most of the time.
  17. Because you trust me more than i trust myself.
  18. Because you give.. even without me asking for it.
  19. You saw me in my bagong-gising-no-hilamos look and you managed not to run and go home. haha!
  20. You can stand my amount of jologs-ness.
  21. Because you let me know when you’re pissed.
  22. For not talking to me this past week.
  23. For loving my siblings.
  24. For your effort.
  25. Because you’re the first to make me feel so secure.
  26. For scolding me often. hehe
  27. For being a great friend.
  28. For introducing me to your family.
  29. For your pieces of advice which actually make sense.
  30. For letting me do whatever i want.
  31. For caring about my wellness.
  32. For constantly reminding me that you’re always there for me.
  33. and For loving me despite of who I am.
Actually there are still lots of reasons pero yan ang pinaka top para sakin..and I want to thank L for all of that reasons. Again..Advance Happy Birthday L. 
Advertisements
Posted in Love, Relationship | Tagged , , , | Leave a comment

Idadaan nalang sa kanta..

Good evening folks,

Ang bilis ng panahon noh..parang kahapon lang 18 years old lang ako, ngayon 24 na ko?..my gas!..Hayyy anyway,highway,milkyway,bombay, isang malamig na gabi sa inyong lahat. Malamig kasi maulan at malamig dahil malamig ang buhay pag-ibig ko…kaya eto, nakahiga sa kama at nakikinig ng music habang nag-pe-facebook. Oh diba ang taray multi-tasking kuno..hehe..and speaking of love life at pakikinig ng music, haven’t you noticed guys, when it comes to love songs genre, composers and singers are most likely doing songs about heartaches and break-ups. diba?. Karamihan talaga ang meaning ng kanta na ginagawa nila eh tungkol sa kung pano nagpaka-martyr o pano nagpaka tanga sa pag-ibig, kung pano ka naglaway dun sa labidabs mong pag mamay-ari na pala ng iba. at kung anu-ano pa.

Eh kasi ganito yun (o ha! dunong-dunungan ang lola..hehe). Bigla kasi my bumbilyang umilaw sa may uluhan ko tapos may narinig akong “TING”!…hehehehe…Ang totoo nyan ay mas madali kasi mag-compose ng kanta, tula, o story  pag heartbroken ka o kaya depres-depresan ang mood mo. Pag mas todo-emote o senti ka, mas maganda! Sabi nga sa kanta ♪ its just emotions taking me over ♪…naks!…☺

Parang blogging din yan eh. Ewan ko ba, mas madali akong makapag-blog pag medyo depress ako. Or maybe it’s just me. 😦

Gaya ngayon, eto sad nanaman ako, emote-emotan ang lola nyo..kya feel ko gumawa ng blog. Anong konek?? hehe

Ibig ko sabihin guys, if for example your a song writer slash composer slash artist, and when your happy

usually the last thing you want to do is sit down and grab a guitar. If you’re in happy mood, normally you want to go out and celebrate! But  when you’re heartbroken, parang it makes sense to turn off the lights, mag-emote and go to the piano.  Matitindi ang arrive ng composition kasi nanggagaling talaga sa kasulok-sulukan ng puso eh. Definitely, heartbreak tends to be the more inspiring emotional state base yan sa pagkakaintindi ko ha… yeah men!..hehe

Kya kinonek ko sya eh parang ganun din kasi sa blogging. Mas buhos ang loob mong magsulat pag mejo may kirot kang nararamdaman sa puso mo. Kaya pansinin mo minsan, pag ang blogger ay nai-inlab…andun yung napapabayaan na ang site nila at tuluyang inaabandona ang pagbo-blog.

Basta ako, gumagawa ako ng blog kasi wala akong mapagbuhusan ng emosyon ko…yun lang..kaya sa nagpasimuno nitong blog, maraming salamat sayo. 🙂

hayy naku, makatulog na nga muna…at malamig ang panahon…it is BED weather today.

Goodnight guys… 🙂

 

Posted in Kung anu-ano, trip na trip | Tagged , , , , , , , , | Leave a comment

How very special you are…

Hi everyone,

I’d like to share something that I would like for everyone to know how very special you are as a person..

24 Things to Always Remember…and One Thing to Forget 

  1. Your presence is a present to the world.
  2. You’re unique and one of a kind.
  3. Your life can be what you want it to be.
  4. Take the days just one at a time.
  5. Count your blessings, not your troubles.
  6. You’ll make it through whatever comes along.
  7. Within you are so many answers.
  8. Understand, have courage, be strong.
  9. Don’t put limits on yourself.
  10. So many dreams are waiting to be realized.
  11. Decisions are too importantto leave to chance.
  12. Reach for your peak, your goal, your price..
  13. Nothing waste more energy than worrying.
  14. The longer one carries a problem, the heavier it gets.
  15. Don’t take things too seriously.
  16. Live a life of serenity, not a life of regrets.
  17. Remember that a little loves goes along way.
  18. Remember that a lot…goes forever.
  19. Remember that friendship is a wise investment.
  20. Life’s treasures are people…. together.
  21. Realize that its never too late.
  22. Do ordinary things in an extraordinary way.
  23. Have health and hope and happiness.
  24. Take the time to wish upon a star…..                                                                                        …..and dont ever forget…….                                                              for even a day….How very special you are.

This is from the book entitled “For you, just because You’re special to me” by Douglas Pagels.

I’d like to thank the person who give me this book. L if your reading this thanks for making me feel special, for making me and taught me how to be a wonderful person. Thanks for everything.

Enjoy reading guys..have a blessed evening. 🙂

Posted in Inspirational | Tagged , , , , , , | Leave a comment

Seriously Bad News

Guys, what if nalaman nyo that you have Brain Cancer or Brain Tumor?…How will you cope with it?..na binigyan ka na ng taning. Gano ba kabigat dalhin ang ganitong sitwasyon?.. Let me share with you some important things about Brain … Continue reading

Gallery | Tagged , , , , | Leave a comment

Ang INA ko!..

Hindi ko alam kung ang ina ko o ako ang may problema. Hayyyy…feels so pissed right now, actually im crying.. pasensya na mga reader ko wala ako makausap kundi itong blog ko. Dati may mga napapagsabihan ako pero iba na kasi ngayon. Iba na mundo nila, at ayoko ng problemahin pa nila ako. Alam ko may mga problema din sila kinakaharap. Kaya nga tanging itong blog nalang ang ngpapagaan ng loob ko.

Ang sama-sama ng loob ko ngayon lalo na sa nanay ko.Everyday nalang parang lagi kami nagkakaron ng misunderstanding, ako ba may problema? I dont know what to do with myself. what am i supposed to do?. ..I’m doing my best para maging mabuting anak pero bakit laging mali lahat ng nakikita nilang ginagawa ko??… Idagdag mo pa yung mga kapatid ko. Alam ko minsan nagiging mahigpit na ko sa mga kapatid ko, naglelead sa nasasaktan ko sila dahil sa sobrang tigas na ng ulo nila, sa una kong sinabi sa isang topic ko, sabi ko ill try my best to teach my younger brothers to be a better person. Pero mukhang huli na nga para sa kanila. Nasaktan ko yung isa kong kapatid dahil sa sobrang inis ko, kasi pinaliligpit ko lang sya ng kinalat nya na pinagkainan nya. Mamaya sya ng mamaya. Pero kinulit ko sya, dahil makalat tsaka baka may madulas dahil may basa ng tubig yun sahig galing sa pinag-inuman nya. Sumagot sya pasigaw,”bakit di ka ba makapaghintay?bat di ikaw magligpit!” hindi maganda ang tinuran nya kya sa inis ko kinurot ko sya sa braso. Sinabihan ko “tama ba yang lumalabas sa bibig mo? Pinag-aaral kayo para matuto ng tama pero bakit parang wala kayong natututunan, para naman sa inyo yun”. umiyak sya sabay sabi “pakelam mo ba? eh di ikaw mag-aral”. Sabay tumakbo sya palayo at pahabol na sabi “isusumbong kita kay mama!”.

Habang paakyat ako masama pakiramdam ko, kasi sa totoo lang mabigat para sakin ang saktan ng ganun ang kapatid ko, pero wala na ko magawa dahil wala na silang pinapakinggan eh. Matigas na sila. Maya-maya naririnig ko na nanay ko sumisigaw tinatawag pangalan ko. Nun lumapit ako bigla ako sinampal na may kasamang gigil. Sabi “Ano ginawa mo sa kapatid mo?!,kinurot mo daw sya tsaka sinuntok!”…napanganga ako. Nasabi ko “Alam ng Dyos hindi ko sinuntok yang kapatid ko, nagsisinungaling sya! Oo kinurot ko sya pero hinding hindi ko gagawin ang suntukin yan! tsaka tinuturuan ko lang ng leksyon kasi di na tama ginagawa. Kya walang kinakatakutan yang mga kapatid ko kasi kinukunsinti nyo rin” Sagot ng nanay ko “Sige sumagot ka pa at hindi lang sampal gagawin ko sayo! Ikaw matanda dapat ikaw nagpapaubaya. Ang hirap sayo ikaw lagi tama dito sa bahay na toh! Porket panganay ka gusto mo sayo lahat!”….

Nun narinig ko lahat ng sinabi nya tumulo agad luha ko. Hindi ako nakapagsalita. Tumakbo ako paakyat sa kwarto ko. Shet! ang sakit!. Bakit mas masakit yung narinig ko mula sa nanay ko kesa nung sinampal nya ako. Shet! talaga. Hindi ko alam kun san nya napulot yung mga pinagsasabi nyang walang katotohanan. Alam ko, ikaw matanda ikaw magpaubaya, Oo, ako na nga lahat dito sa bahay eh, ultimo responsibilidad ng isang ina,ginagampanan ko na.Kulang na nga lang kung di ako kilala ng mga kapitbahay na anak ako, sasabihin nila parang ako ang katulong sa bahay dahil lahat ng gawain sakop ko na. Pero sya anu ba ginagawa nya?, nakaupo naglalaro kundi tong-it, madjong 24 oras sa isang linggo. Mantakin mo yun?. At anu pa sabi ng nanay ko, hirap sakin lagi ako tama sa bahay na toh,gusto ko lahat sakin?..kung totoo yun sana hindi ako nglalabas ng sama ng loob ko ngayon. Sana nagpapakasaya ako sa lahat ng nakukuha ko dito sa bahay na toh. Ni minsan hindi ako humiling sa kanila. Palagi lang ako naghihintay kung anu ibibigay nila sakin..maski nga mga pangarap mga gusto kong gawin sa buhay ko sila rin nagdidikta eh. Sila may hawak. Tapos sasabihin nya sakin yon.. ang sakit talaga. Putang ina!..Bawat kilos ko laging mali sa kanya, Bawat gawin ko laging di tama. Masakit isipin sarili mo pang ina humahatak sayo pababa. Shet!..fuck!..I feel so rebel. Always nalang gusto ko lumayas pero hindi ko ginagawa. Kasi I know na mali. At isa pa madali ako magpatawad, hindi ako nagtatanim ng sama ng loob kahit na kanino. Lagi ko tanong sa sarili ko, lagi nalang ba ko ganito, tanggap ng tanggap, ang magpaubaya?.Pero kahit sagutin ko yung tanong na yon hindi ko magawa gawa. Kasi andun padin sa pusot isip ko yung gusto ko panindigan na “I want to be a good daughter. I want to be a good and a better person”. Pero ang masakit hindi nila nakikita. 😥 .

Isang malungkot na gabi mga kapatid….. 😦

Posted in Family, Life, life's challenges | Tagged , , , | 1 Comment

Still Single?

Maraming rason ang mga single kung bakit single pa rin sila at eto daw ang madalas na mga palusot. Palagay ko dun ako mababagay sa number 1…hahahahaha. Kayo san kayo nabibilang mga kapatid na single…tignan natin

REASONS WHY YOU ARE STILL SINGLE

11. Destiny Adik                                                                                                                                             Eto yung mga naghihintay kay “Destiny” na gumawa ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga “partner in lyf”. Ayan, kakapanuod nyo ng “Serendipity” feeling nila ang nangyari sa movie ay mangyayari rin sa kanila. Such a cliche!(taray gumaganon). Hindi ba nila alam na kung walang effort walang efflaine? ay este kung walang effort, destiny is useless tama ba?..hmmm umayon kayo.                                                                                         10. Perfectionist                                                                                                                                            Mapili. Yes, isang taong perpeksyonista. Yun tipong dapat ganito,dapat ganyan ang magiging kapartner ko. Pag may nakilala, nakita lang na pangit ang kuko o may dumi lang, turn-off na agad. O kaya ang daming ayaw. Ayaw sa mabait-boring daw, gusto ng bad boy o kaya pilya pero kapag pinaiyak ka, sasabihin mo..“bakit ang sama mo?bakit mo nagawa yun?” oh diba. Meron dyan, ayaw sa cute. Ayaw din naman sa panget, nu ba yan daming ayaw. Meron din dyan yung gusto ka pero ayaw mo naman. At yung nagugustuhan mo eh halos magtatambling ka na para mapansin lang kaso dedma to the max naman.                      9. Busy-busyhan                                                                                                                                           Opo. Eto po yung mundo ay gumagalaw lamang sa libro at ballpen kung estudyante ka, o kya naman computer at files kung sa office ka. Yun tipong papasok ng trabaho o eskwelahan tapos uuwi ng bahay sabay matutulog. Kapag off naman masaya na sa online games, magupdate lang ng facebook o kaya twitter. Masaya na sa pasyal pasyal with the family. Yun yon.                                                                                                                                    8. Friendship Theory                                                                                                                                  Eto naman po yung, ang buhay ay kay bestfriend o kaya kay special friend na sa loob ng mahabang panahon ng pagsasama nyo ay hindi masabi sabi kay friendship ang tinitibok ng puso dahil baka daw maapektuhan ang pagkakaibigan at baka iwasan sya. Eto yun tipong pag may kasama si friendship na iba, nagseselos ka deep inside pero di ka pahalata kunyari happy ka for them.                                                                                                7. Born-to-be-one (autistic)                                                                                                                      Eto yung nasa palad na ang pagiging single daw. Walang reasons. Basta nalang nabuhay sya sa mundo na mag-isa at feeling nya mamamatay sya sa mundo ng mag-isa. Kesyo magmamadre o magpapari nalang daw sya. hahahaha…may barkada akong ganitech! naalala ko lang nung college. (parang gusto ko na ding maging ganitech..hahaha..yun tipong sasabihin ko “ipinanganak akong virgin, dapat lang mamatay akong virgin!..wahahahaha…wag na kyo kumontra, kanya-kanyang trip toh..hehehehe).        6. Happy-go-lucky                                                                                                                                           Eto yung taong walang alam gawin kundi kasiyahan at trippings. Tipong kahit sino nalang basta no strings attached. For fun lang daw. Walang halong seryosohan. Aba, sinasabi ko sa inyo mga nabibilang sa ganito, yang init ng katawan nyo makakahanap din ng katapat yan.hehehehe.                                                                                                                          5. Wrong place                                                                                                                                                   May nakaranas na ba nito?, yung pakiramdam mo ay nasa ibang mundo ka. Yung mga nakakaharap mo hindi mo gusto, yung mga hindi mo hinahanap. Alam mo yun? yung halimbawa, nasa ibang bansa ka pero ang hinahanap mo naman eh yung amoy ng pinoy/pinay. Yun yon.                                                                                                                          4. Wrong Timing                                                                                                                                               Eto yung mga tao na lagi sinasabi eh “Hindi pa ko ready eh, bata pa kasi ako”, o kaya naman, “Hindi pa ako handa sa panahong ito, wala pa ako kayang ipagmalaki..” Yes. meron pong ganyan. Yun pakiramdam nila na may tamang panahon para sa love. Awww…aba kelan naman kaya yun?pag uugod ugod na sila at yung time mo ay bitin na?hehehehe.                                                                                                                                              3. Si Parents kasi!                                                                                                                                            Eto yung ayaw pa ni mader at ni pader na magkaron ka kahit lagpas 20 anyos ka na. Yun tipong kelangan umabot ka muna ng 30 mahigit bago magkaron ng bf/gf. O kaya ikaw naman mismo, takot sa parents na baka hindi nila gusto yung bf/gf mo.Yun tipong langit at lupa ang drama nyo..hehehehe.                                                                                  2. Traumatic Experience                                                                                                                              Eto kalimitan ang rason ng marami, yun tipong “Ayaw ko na! takot na ko mangyari pa ang nangyari dati!”. Eto yung di naging maganda yung mga past relationship nyo na ayaw mo na balikan na sinusumpa mo na dahil pinagpalit ka sa iba, o kya dahil binubugbog ka,mga ganong tipo.                                                                                                        1. Ex to the nth power                                                                                                                                          Aminin!..Love mo parin si “EX”. Kahit 1 to 2 years na ang nakalilipas, Eto yung sukdulan tumagal na ng pagkahaba habang panahon e hindi parin makalimutan si ex, dahil daw sa mahal na mahal talaga, dahil sa pinagsamahan,tawanan, iyakan, yun tipong sinumpa mo sa sarili mo sya lang mamahalin mo habambuhay. (bigat diba mga tsong at tsang, pero aaminin ko eto, dito ako nabibilang…hahahahah)

Tignan nyo na kung san kayo nabibilang mga kapatid na singles…hehehe

Have a happy and blessed evening 🙂 

Posted in Single Me | Tagged , | Leave a comment

Minsan,gusto ko…….

Minsan ngtataka ako, sinisimplehan ko na nga lang ang mga ambisyon ko sa buhay pero bakit ganun…lumalabas pa rin na napaka-kumplikado ng mga sitwasyon. Malas ba ako? Kung titingnan mo naman ang wetpaks ko, ok naman sya, may hati sa gitna, wala naman akong balat sa pwet. Pero bakit parang lagi na lang ako inaalat sa buhay? Hindi kaya kinakarma ako? Nyay!

Maski sa buhay pag-ibig, lagi akong bigo. Lagi akong naiiwang luhaan. Kahit sa mga salihan kong mga raffle raffle, pagtaya ng Lotto at kung anu-ano pa…sadyang malas yata talaga ako.

Minsan gusto ko magkaroon ng bespren na may katawang-tao. Yung pwede ako hawakan sa kamay, akapin o tapikin. Sa ngayon kasi, ang bespren ko ay hindi tao, hindi hayop. Itago na lang natin sya sa pangalan na – GOOGLE at WORDPRESS

Minsan gusto kong maging zombie ng kahit isang buwan. Yung walang pakiramdam. Yung walang pakialam. Manhid. Deadma. Bato. Gusto ko pa kasing mabuhay ng medyo matagal.

Minsan gusto ko magpakalbo, wala lang para maiba naman, para wala ng magsasabi sakin ang haba ng hair mo teh, Chos! haha

Minsan gusto ko yung maranasang makipagsabunutan at makipagsuntukan sa gitna ng daan..haha..di ko pa naeexperience yun eh.

Minsan wish ko na walang nagbabasa netong blog ko. Yung ako lang ang andito, ako lang ang nagbabasa sa mga kadramahan ko at Kaartehan ko. Yung pwede ko ibuhos ng walang pakundangan ang lahat-lahat ng saloobin ko, lahat ng kabastusan ko, lahat ng kasamaan ng ugali ko, lahat ng hinanakit ko sa isang tao, sa pamilya ko sa kapitbahay ko, pati na ang mga kinatatakutan ko sa buhay gaya ng daga, at ipis at ang realidad ng buhay.blah blah blah. Yun bang na hindi ako mag-aalala na baka mabasa ni ganito ni ganun. Yung pwede ako magmura ng magmura. Putangina! Ang sarap siguro anoh?!

Minsan naman iniisip ko baka nagugutom lang ako kaya bwiset na bwiset ang tono ng blog ko ngayon. Adik lang… Makakain na nga!hehehehe

Have a blessed evening folks!

While writing this topic, im listening to ALWAYS by BON JOVIT BALDIVINO este BON JOVI lang pala  🙂

Posted in trip na trip | Tagged , , , , , | Leave a comment

Buti nalang mahaba pasensya ko

Inutusan ako ng tito ko na ipatingin yung laptop charger kung anu sira.

Kanina, sa isang Electronic shop sa may SM Fairview..

Tenshi: “Hi , patitingnan ko sana tong laptop charger kung maaayos pa.”

Receptionist: “Sige po mam, sandali lang po ipapa-check ko sa technician namin.”(maya-maya lumabas si kuyang receptionist)

Receptionist: “Maam, sira daw po.”

NakngPating!..parang gusto ko sagutin ng “oo nga alam ko, alam ko, kaya ko nga dinala dito dahil sira”……syempre dahil mahaba pasensya ko, inintindi ko nalang, mabait ako eh…(kuno).

Tenshi: “eh maaayos pa ba?”                                                                                       Receptionist: “Oo mam, maaayos pa naman”                                                                                Tenshi: “Magkano?”                                                                                                                            Receptionist: “P650.00 po”                                                                                                                Tenshi: “Ha?ang mahal naman, eh ang brand new ng laptop charger sa CDR-King eh P625.00”.                                                                                                                                                Receptionist: “Eh yun po talaga singil namin mam pag adaptor eh.                                            Tenshi: “Ha? eh di bibili nalang ako ng brand new diba, may sukli pa ko P25.00.”         Receptionist: “Sige P350.00 nalang po sa inyo mam”.  (haha ang laki ng tinawad ah, nagandahan siguro sa alindog ko si kuya..wahahahaha).                                                               Tenshi: “Kuya di ba pwedeng P300 nalang?”.(hahahaha…akalain nyong tumawad padin ako..hahaha).                                                                                                                                         Receptionist: “Sige sige mam, basta po kayo, hintayin nyo na mam mabilis lang naman po yun”.(oh sabi na eh, nakuha sa alindog ko, basta daw ako ok lang…hahaha).

Natuwa na sana ako eh, pero sa maniwala kayo’t hindi halos isang oras ako naghintay sa shop. Nainip ako kaya nagtanong ako.

Tenshi: “Kuya, wala pa ba?, matagal pa?”.                                                                                        Receptionist: ” Sandali lang po mam, i-che-check ko po ulet”.

Naghintay ulit ako ng mga 15minutes pa. Maya-maya bumalik na si kuya bitbit ang charger.

Receptionist: “Maam, sira na daw po talaga. di na daw po maaayos. Bumili nalang kayo bago mam, para mas maganda. Kasi hindi na talaga maaayos mam eh”.

“Mga TAE kayoooooo!!!!” gusto ko sana isigaw yon ng mga oras na yon. Ang sarap magmura noh?…S#@(*^#&&&%@^%&&^#&**&^!!!!!. Pero syempre di ko ginawa dahil mabait ako at mahaba ang pasensya ko. Kahit asar at inip ako nagsmiling face padin ako at nag thank you pa ko. Habang nglalakad ako palayo di ko maiwasan mainis. Tinanong ko kung maaayos pa, oo naman ang mokong, pinaghintay pa ko dahil sandali lang daw. Eh kung nung una palang sinabi na di maaayos eh di hindi sana nasayang oras ko.Mantakin mu yon!…hayyy talaga ang buhay…hehehehe idaan nalang sa tawa. hahahahaha…trip lang ata ako ni kuya eh..kaya pinaghintay ako…hahahahaha buti nalang talaga mahaba pasensya ko. 🙂

at sa huli, pinabili nalang din ako ng brand new…hehehehe…

bless you all…. 🙂

Posted in Kung anu-ano, Life | Tagged , , , , , , , , | Leave a comment

Feels like insomia ahh ahh….

Ang ganda kong puyat ngayon…chos!..hahahaha

kalurks!hayyy..why oh why naman!..kanina dinapuan na ko ng antok eh, (may dumapo talaga?haha)pinatay ko na ang computer at humiga, pero mga ilang oras lang bigla di na ko makatulog. ay sus!.anu ba toh. Nagpabaliktad baliktad na ko sa higaan, gumulong-gulong wala parin. kainis. Gusto ko ng matulog pero gising na gising parin diwa ko.

Ginawa ko, nakinig ako music, mala mellow music lang mga tipong pampatulog, pero wala epek! Nagtxt a friend ako para may makausap, pero dedma lang mga frends ko. Naisip ko buksan muli yung computer at makipag chat pero dedma padin. Makanuod nga ng porn.weeehhhhhh!!(hahaha) Nung nakapanuod ako, abay lalong di ako nakatulog eh..imbes antukin ako, nabuhay ang katawang lupa ko!..hahahaha…lintik yan!… leches!

Calling, calling kuya kim!…Bakit kaya meron ganun ‘no?hehehe

Anyhow,how how de carabao..may kasabihan nga tayo na mas mabuti na ang walang tulog kesa walang gising!..hahahahaha

Babawi na lang ako ng tulog mamaya. Pero wag ka, gaganti ako! Since dinedma ako ng dinedma ni antok, mamaya pag dinalaw niya ako, pahihirapan ko rin sha. Matinding ISNAB ang aabutin nya suckin. (suckin talaga?..Hah! Lintek lang ang walang ganti! Char!

bless you all folks!

Posted in Kung anu-ano, Life | Tagged , , , | Leave a comment

For Hopeless romantic

Including me…..

L O V E!

A good relationship is not a game that we play or an ego trip we take. It is about love and two people. Loving someone can give us the greatest joy we can ever know but it can also hurt us more that we can ever believe. If we love someone we should be ready to experience not only happiness but heartache as well. That’s the reward and risk that it takes. Unless we are willing to experience it, we will never really know what it’s like to love and be loved.

Sharing love is probably the most valuable and meaningful experience a person can ever have.  And there is a difference between being in love with someone and loving someone.  It’s the difference between a love that’s fickle, wild and short-lived and a love that’s tender, passionate and lasting.  The first is easy.  The second, the one that really matters to us all, takes work —- because it’s about keeping the relationship.

Loving someone takes efforts. We have to be able to communicate with each other. Nobody can read anyone else’s mind. We always presume that our partner knows what we think and feel. Maybe in time we might be able to predict or sense each other’s thoughts but it’s never perfect and it takes time to develop.

Getting the chance to love and be loved by someone is a blessing.  Respect him/her for who he/she is, and not what you want him/her to be   No one is perfect.  It’s true love that closes the gap of imperfectness to form a smooth surface of acceptance for each other.  True love sees and accepts a person for who he/she is.  It is also true love that makes a person change for the better.

Although the power of true love is undeniable, a relationship needs commitment too.  What is love without commitment from each other anyway?  It’s like principles and values.  Everyone has them but they only mean as much as we are willing to stand for them.  The same goes for our commitments to relationships and to the person we love.

“Love is like an antique vase.  It’s hard to find, hard to get, yet easy to break.”

Everyday, everywhere…people fall in love. But just how many of these relationships are self-sacrificing love, and not just relationships which are formed only for the intense feeling of falling in love? I know hundreds of friends who say the magical words “I love you”…but more often that not, the truth is just — I am IN love with you. There is a difference between being in love with someone and loving someone.

If a person says he/she is in love with you, he/she means that he/she likes you for who you are now and he/she fell in love with you because of the present you. This kind of love is temporary and will only lasts as long as the fairytale lasts.  When fairy godmother comes in at night to whirl us back in reality, we see the heartache of such a relationship.

But if a person says he/she loves you, he/she means that he/she loves you unconditionally for who you are now, who you were you in the past and who you might be in the future. When he/she says he/she loves you and really means it, you have to ask yourself if you love him/her too or if you are only in love with the idea of being in love. It is very hard to see the difference through logical thinking.

May you be blessed on your soul-mate searching journey.                                                                                                                                                                              

Author unknown

Have a lovely monday everyone!

Thanks mamaru….. 🙂

                                                                                                                                                                                 

Posted in Love, Quote, Relationship, Romance | Tagged , , , , | 2 Comments